Bago pa dumating ang cellphone, WiFi, at ML, kami muna ang original na adventurers. Ang mga kalsada ang aming open world, ang tansan at goma ang aming currency, at ang patintero, teks, at luksong baka ang aming mini-games.
Pero hindi lang laro ang pinagdaanan ng batang 90s—may mga boss fights din sa loob ng bahay. Ang mga magulang, may kompletong arsenal ng disciplinary weapons: mula sa legendary hanger, hanggang sa rare belt of doom, at syempre, ang ultimate pamalo—na may instant damage at zero respawn.
Kung gamer ka ngayon, isipin mo na lang: noong 90s, hindi joystick ang hawak namin, kundi tsinelas. At bawat araw ay survival mode.
Kaya tara, balik-tanaw tayo sa mga larong walang kuryente at sa mga armas na nagpapa-level up ng respeto ng kabataan. Welcome sa mundo ng Batang 90s—kung saan ang tunay na Game Over ay kapag dumating na si Nanay dala ang pamalo.
-
Larong Pambata ng Batang 90s
Larong Pambata ng Batang 90s: Bakit Mas Masaya ang Kalsada Kaysa sa Gadget? Naabutan mo ba ‘yung panahon na ang pinakamalupit na graphics card ay imahinasyon mo lang? Oo, ‘yung tipong ang “PlayStation” natin ay kalsada, at ang “joystick” ay tsinelas na pinaglumaan. Bago pa sumulpot ang Mobile Legends at Roblox, may mga larong pinapawisan…
-
Sikat na Pamalo ng 90s
Noong 90s, wala pang child psychology na “use your words, not your hands.” Ang meron lang, “Use your hanger, not your patience.” Hindi uso noon ang “time-out.” Kapag may kalokohan ka, ang time-out mo ay literal na “time out ng sinturon sa balat mo.” At hindi mo rin pwedeng i-report kay Bantay Bata 163, kasi…