Welcome sa Nanay Logic—isang uniberso kung saan hindi mo kailangan ng physics, chemistry, o algebra para maintindihan ang batas ng buhay. Dito, simple lang ang rule: si Nanay ang tama, at kung may duda ka, balikan ang unang rule. Kung bakit laging may baon kang panyo, bakit bawal kang matulog na basa ang buhok, at kung paano nagiging equal sa diploma ang pagiging marunong maghugas ng plato—lahat ‘yan, ipapaliwanag ng Nanay Logic. Hindi mo man maintindihan ngayon, pero tiyak, darating ang panahon na ikaw na mismo ang magsasabi ng parehong linya… habang pinapagalitan ang sarili mong anak.


Nanay Logic #4: Magdala ka ng payong kahit maaraw

Walang masama, kasi sa nanay mindset: "Hindi ka uulanan, pero baka maulanan ka."

Praktikal

Nanay Logic #16: Huwag ligpitan ng pinagkainan

Sabi ng nanay, huwag mong pagligpitan ng plato habang siya ay kumakain pa ang isang tao kundi hindi ito makakapagasawa. Ayun ung kapatid kong pinagligpitan, nakaapat na asawa na yata.

Pamahiin

Nanay Logic #24: Kubyertos Fortune Telling

Kapag may nalaglag na kutsara, may lalaking bisita. Kapag tinidor, babae. Fortune-telling gamit kubyertos.

Pamahiin

Nanay Logic #5: Wag matulog na basa ang buhok

Sureball yan—sabi ni Nanay, mabubulag o tatanda ka agad. Kaya blow-dry muna bago bed, kahit antok na antok ka na.

Pamahiin

Nanay Logic #1: Wag magwalis sa gabi

Sabi ni Nanay, kasama raw sa walis ang swerte. Kaya kahit kalat, tiisin mo na lang.

Pamahiin

Nanay Logic #8: Wag matulog ng gutom

Kahit pagod ka na, sabi ni Nanay, hindi ka raw makakatulog ng maayos kapag walang laman ang tiyan. Kaya magbaon ng meryenda kahit maliit.

Praktikal

Nanay Logic #2: Bawal magputol ng kuko kapag gabi

Kahit may nail cutter ka na, sabi ni Nanay malas daw. Antayin mo na lang umaga.

Pamahiin

Nanay Logic #7: Huwag maupo sa pinto

Ayon kay Nanay, kapag lagi ka raw umuupo sa may pintuan, tatandang dalaga o binata ka. Kaya kahit masarap ang hangin, ililipat ka niya agad.

Pamahiin

Nanay Logic #25: Pasan unan = Mamamatay Nanay

Kapag pinasan mo raw ang unan sa ulo mo, mamamatay nanay mo. Dahil para mo raw buhat ang kabaong nya. Classic scare tactic para tumigil ka.

Pamahiin

Nanay Logic #9: Patayin ang TV kapag may kidlat

Sabi ni Nanay, kung may kidlat sa labas, baka pasukin ng kuryente ang TV at masira. Kahit bago pa lang ang TV o mahal ang TV, obey na lang. Safety first, sabi niya, at dagdag chismis—"kapag nasunog, di na puwede reklamo."

Pamahiin

Nanay Logic #18: Kambal na Saging

Kapag kumain ka ng saging na kambal, magiging kambal daw ang magiging anak mo. Zero medical logic pero minsan tumatama kaya scary.

Pamahiin

Nanay Logic #6: Pag pumunta ng patay, magpagpag!

Galing lamay? Diretso sa fast food o 711 muna bago uwi. Kahit gutom ka na at 3AM na, bawal daw dumiretso sa bahay.

Pamahiin

Nanay Logic #28: Panyo sa Noo

Kapag sumakit ulo mo, itali ng mahigpit ang panyo sa noo. Hindi pain reliever, pero effective daw sabi ni nanay.

Nanay Remedy

Nanay Logic #11: Bawal lumingon habang naglalakad pabalik sa bahay mula lamay

Kapag lumingon, baka sumama ang kaluluwa sa’yo. Kaya kahit gusto mong tingnan kung sino sumunod, wag mo daw gawin.

Pamahiin

Nanay Logic #15: Wag kumanta habang nagluluto

Sabi ni Nanay, kung kakanta ka habang nagluluto, baka hindi ka na makahanap ng forever o pakakasalan mo ang mas matanda. Kaya sa mga single, huwag subukan!

Pamahiin

Nanay Logic #30: Matulog ka sa tanghali

Matulog ka raw sa tanghali para tumangkad ka. Nanay logic na nagiging official reason para ipatulog ka kahit ayaw mo.

Pamahiin

Nanay Logic #21: Pera sa Gabi

Huwag magbilang ng pera sa gabi, mamalasin ka. Pero ang tunay na dahilan, para hindi ka ma-stress sa utang.

Kasabihan

Nanay Logic #27: Vicks sa Talampakan

Para gumaling ang ubo, magpahid ng Vicks sa talampakan at suotan ng medyas. Walang scientific proof pero nanay-certified.

Nanay Remedy

Nanay Logic #3: Wag ka munang maligo pagpagod ka

Kahit pawis na pawis ka galing laro o trabaho, sabi ni Nanay baka daw pasukan ng hangin ang katawan mo. Tuyo na pawis, amoy pawis, pero ligtas ka raw.

Pamahiin

Nanay Logic #23: Bagong Gupit at Basa Ang Ulo

Huwag lalabas ng bahay na bagong gupit at basa ang ulo kasi papasukan ka ng hangin. Nanay version ng sipon prevention.

Pamahiin

Nanay Logic #19: Toothpaste sa Mantika

Pag natalsikan ka ng mantika, lagyan agad ng colgate para hindi mamaga. Mas effective pa sa burn ointment, ayon kay nanay.

Nanay Remedy

Nanay Logic #12: Kailangang mauna ilipat ang bigas sa bagong bahay bago ang lahat ng gamit

Sabi ni Nanay, kapag lumipat sa bagong bahay, ang unang ililipat ay bigas. Para daw laging may pagkain at swerte sa bagong tahanan. Kahit nakakatawa, obey ka na lang—baka raw malas kung uubrahin mo.

Pamahiin

Nanay Logic #26: Pakwan + Softdrinks

Huwag sabay kumain ng pakwan at softdrinks kasi puputok tiyan mo. Walang batang nag-test nito hanggang ngayon.

Pamahiin

Nanay Logic #10: Huwag magbukas na payong sa loob ng bahay

Mahuhulog daw ang mga butiki kapag nakabukas ang payong sa loob ng bahay

Pamahiin

Nanay Logic #22: Nangangati ang ilong

Kapag nangangati daw ang ilong mo, sure na may humahalik sa picture mo. Or baka naman di ka pa naliligo?

Pamahiin

Nanay Logic #29: Huwag Maligo Pag Bagong Opera

Sabi ng nanay, kapag bagong opera bawal maligo kasi baka bumuka ang tahi. Kahit safe na daw sabi ng doktor, si nanay may sariling rule: isang buwan bawal.

Pamahiin

Nanay Logic #17: Five Second Rule

Kapag nalaglag ang pagkain pero mabilis pinulot, safe pa raw kainin. Germs daw marunong magbilang.

Kasabihan

Nanay Logic #20: Upo sa Pinto, Walang Asawa

Kapag nakaupo ka sa pintuan, hindi ka makakapag-asawa. Translation: umalis ka diyan, sagabal ka sa daan.

Pamahiin

🎲 Fun Corner

📅 Date Today:
💭 Wise and Famous Lines:
🤔 Random Facts:
🧩 Riddle Me This: